Catanduanes is the best Island para sakin, dahil sa mga magagandang pasyalan at mga mababait na tao, pero sa mga napapanahong isyu ngayon,hindi na nakakatuwa ang mga nangyayari dito sa Isla ng Catanduanes.
Bakit kaya naging ganitoa mga tao sa Catanduanes, Road Project 2 years palang pagkatapos magawa babakbakin nanaman kahit di pa naman sira. samantalang yung dapat ayusin na pag na daanan mo habang nag dadrive ka ng motor ay para kang nag jajackhammer sa sobrang lubak ng daanan. Sinasayang lang nila ang pondo na dapat marami ng nasolusyunan na problema. Isa pa tong problema sa kuryente, nag babayad naman kami ng maayos pero para ng pasko patay sindi ang ilaw parang Christmas light. Nasaan na kaya yung nangako na congressman na aayusin nya ang problemang ito. Puro na lang pangako pero di naman tinutupad. Masyado kase tayong nagpapadala sa pera. Another issue nanaman to yung Vote Buyying sa Catanduanes na hindi matanggal tanggal ipinagbibili ng mga tao ang kanilang boto sa mga tumatakbong politiko.Na hindi nila alam na nagigi itong sanhi ng pagiging corrupt ng mga politiko pag sila ay nakatayo na sa kanilang pwesto.Dito na sila babawi sa kanilang mga nagastos sa kanilang pag vote buyying. Kawawa nanaman ang mga taga Catanduanes.Mga illegal na quarrying na pinapayagan ng gobyerno sa patuloy na pag operate. Sirang sira na ang ating kalikasan, sa halip na ito’y ating pangalagaan ito’y ating pinapatay dahil sa ating mga illegal na gawain.
Di pa naman huli ang lahat, Kaya pa natin ito masulosyunan. Sabi nga (Mga Uragon ang mga taga Catanduanes). Kailangan natin itong mapatunayan.