The Travelogue of travellers

Marso 28 2019 petsang hindi ko makakalimutan kung gaano kami sumaya, Sa kalagitnaang sikat ni haring araw kami ay sabik na sabik na sa aming destinadyon sa Twin Rock Beach Resort, hindi man kalayuan ngunit isa ito sa mga lugar na nais kong/naming mapuntahan hindi lang dahil matagal ko nang naririnig kung gaano kaganda ang lugar na ito.

Sa bihaye pa lamang, abot langit na ang aming saya , dimo mararamdaman ang init ng sikat ng araw dahil sa sobrang sarap ng hangin na aming nakakasalobong habang kami ay nakasakay sa motor na para bang naka turbo speed ang takbo. Punong puno ng kasiyahan ang aming biyahe dahil sa aming mga trip na kakaiba. At yun nakarating na kami sa aming paroroonan , sabik na sabik na kaming pumasok ngunit bigla naming naalala na wala pala kaming sapat na perang pambayad sa entrance fee, kung kayat hindi kami pwedeng pumasok sa mismong Resort at hindi namin makikita ang tunay na kagandahan ng Twin Rock Kaya naisipan namin na dun nalang kmi sa walang entrance fee papasok.

Sobrang saya namin noong araw na yun, yun yung araw na himding hindi namin makakalimutan. Doon din kami nag kwentuhan ng mga problema at nag labas ng sama ng loob. Kumuha kami ng larawan na nakikita ang kambal na bato remembrance para sa pinakamasayang araw naming Mag babarkada at na realized namin na kahit konti lang kaming magbabarkada atleast tunay kami sa isa’t isa. Dimo rin kailangan gumastos ng marami para sumaya.

Leave a comment