Nahiga ako sa sopa dahil sa pagod at puyat na akong naabot nakatulog ako ng maraming oras. Kinaumagahan ginising ako ng aming kasambahay/katulong upang mag-almusal. Nakahain na sa lamesa ang masasarap na pagkain at higit sa lahat mga paborito ko pa ang mga ito. Pinatawag ko kay yaya si mommy para sumabay ng kumain ng almusal. Kami nalang kasi ang magkasama sa buhay namatay na kasi ang aking daddy dahil sa heatstroke. Bukod sa kanila may alaga run akong Pusa na galing pa sa ibang bansa. Binili ko ito sapagkat maganda ang mata at maganda ang balahibo nito kahit na subrang mataas ang presyo nito.
Nang matapos kaming mag almusal naghanda narin ako sa aking trabaho. Mahirap din ang pagiging electrical engineering bukod sa nakakapagod marami kapang titignang mga bagay bagay na maaring mali sa pagkakalagay. Kung kayat pagkatapos ko sa aking trabaho at sinasabayan ko ng pagtravel sa ibat ibang lugar gamit ang aking bagong kotse. Nag ge gym din ako upang pampalipas oras at para gumanda pa lalo ang aking katawan.
Pauwi na ako sa aming bahay gabi na noon at pagod narin. May nakita akong aso sa kalye. Sa subrang bilis Kong magpatulin ng sasakyan dahil sa akala Kong nakaalis na ang aso at nabangga ko ito tumilapon ang aso ng duguan at ako naman ay nakaderetso sa isang malaking pa patahian. Duguan at sugatan din ako. Nong akoy magising hinawakan ko ang aking ulo kung may dugo wala akong nakita ngunit ramdam Kong masakit di ko namalayan nasira ang lumang sopa na aking tinutulugan sa subrang likot ng aking alagang pusa na humahabol ng daga. Ginising ako ng aking nanay upang mag almusal. “Anak gising na mag almusal kana Jan ng dalawang pandesal tirahan mo kapatid mo yong kareton nga pala andon na sa labas nakahanda na sa pangangalakal niyo. Gulat na gulat ako sa aking nakikita sa aking paligid. Inalog ko ang aking ulo kung totoo ba to o panaginip lang. Totoo nga inis na inis ako kung bakit nagising pa ako. Panaginip lang pala ang aking biglang pag asenso.